LIDER: BIG WORD!!!

Lider? BIG WORD!!! Yan yung gustong gusto mo nung grade one kaso nakuha ni klasmeyt na maputi with matching braids and headband kay yaya. Yan din yung hindi mo pa rin makuha nung grade four kasi hindi ka kasama sa highest sa math, sa honor roll, sa hallway drum roll o sa kahit anong nagsasabing matalino’t kilala ka. Siyempre yan din yung hindi mo talaga makukuha nung first year high school kasi new girl in town ka, yung tipong nasa gilid lang, napapanisan ng laway at madalas solo flight sa lunch. Pero yan yung sinabi mo sa sarili mo na kahit once gusto mo maranasan kaya nag-aral ka, kumayod, nagsunog ng kilay, buhok sa ilong, sa kili kili at kung ano ano pa kaya CHANCHARARAN! Naging lider din sa wakas!

Kaso nga lang yan yung hindi nagpatulog sayo ng ilang araw kasi feeling mo wala kang kwenta, mas karapatdapat si bestfriend kasi mas malakas loob niya. At yan yung sabi ni teacher na mabigat na pasanin mabigat pa kaysa sa school bag mong mukhang pang camping bag. Kaya dapat daw malakas ka kung gusto mo talaga. May tiwala ka sa sarili mo na sasabihin mong “When I accept that I can’t be perfect, that’s when it becomes lighter.” Kaya ngayon yan yung ginagawa mo na ng ilang taon at thank God consistent naman ang katamaran ng groupmates mo kaya sayo na inaasa ang lahat.

Yan yung sa tagal mo nang ginagawa, napagtanto mo na hindi yan yung inaabuso. Na kung nakakapagsalita lang yang salitang yan, sisigaw yan ng RAPE! Kasi hindi yan pinagsasamantalahan. Hindi yan yung nakatira ka sa Makati at mamimigay ka ng cake ngunit may kaakibat na nakaw (If you know what I mean). Hindi rin yan yung nagmumukhang tanga na yung mga kasamahan mong nag-rarally sa EDSA at natutulog sa kalsada habang ikaw ay naka-higa sa King size bed mo’t malayo na sa alapaap. Kaya hangga’t bata ka pa, ayaw mong tumulad sa kanila. Kaya nga pinagbubutihan mo palang sa ekswela ngayon di ba? Kasi yan yung isang maling galaw mo lang isisi na sayo kung ano man ang lumabas sa classcard nila. Kaya nga dumating din yung panahong gusto mo na palang bitawan kasi nga ikaw na lahat nag-abano, gumawa, tumapos, sana pala nag one man team ka na lang diba? Yan kasi talaga yung ikaw yung tatanggap ng lahat ng bad vibes ng bawat miyembro ng grupo. Yung tipong, napuyat daw sila kunwari o kaya’y nag-away daw sila ni mudra niya kaya di makakapunta sa life and death urgent meeting… so ikaw ngayon ang may kasalanan niyan?

Yan rin pala yung nagturo sayo magmura kasi ********* mo, ang tanga mo para magpagamit sa mga walang pangarap sa buhay. Tapos biglang nung sumigaw ka na sa bundok na “WALANG HIMALA!” Bigla namang dumating sa eksena yung tipo ng mga kasamahang masarap pamunuan. Kasi ramdam mo na hindi ka nag-iisa. Na ang lider pala ay hindi nag-iisa. Na kaya palang magtulungan. Na ang sarap pala maging lider kapag maayos din ang pinamumunuan. Kasi napagtanto mo na to make things work, hindi lang lahat nakaasa sayo. Lahat tayo, kayo, dapat pare-pareho, nakikisama, nakiki-elam, tumutulong, gumagalaw. Basta ang pagiging lider, yan yung nakuha mo, binitiwan mo, pero tulad ng pag-ibig, sa huli gustong maging forever mo basta paninindigan mo para sa mga tamang tao.

Advertisements

Ang Iba’t Ibang Mukha ng Rason

Ang Rason,

Minsan bullshit, minsan twisted

Minsan blind, minsan unlimited

Minsan parang isang sirang plakang pauli ulit

Ano daw ano daw? Yan nanaman?

Pati hangin napagod na ring makinig

Minsan kaboteng biglang tumubo

Ano daw ano daw? Sang galing yan.

Minsan out of this world, minsan invention

Teka teka sang planeta na hugot yan?

Ilang neurons mo’ng pumutok dahil dyan?

Minsan parang utot, pasabog

Minsan mabigat parang hammer ni Thor

Minsan parang tubig sa Matangbungkay kay babaw

Minsan parang si Lola Nidora

MeMa, MaMa, KJ pa

Minsan parang (x^2 – 16)(x – 3)^2 + 9x^2 = 0

Ganun na nga walang nakakuha

Minsan takot, takot na takot

Asong nahahabag ang buntot

Minsan masakit, ang sakit sakit

Parang third degree burn tanggal lahat lahat

Minsan minsan minsan

Minsan itong lahat

Pero madalas IKAW!

IKAW LANG LAGI NAMAN!

Anak, kung sakaling gusto mong maging direktor balang araw

antoinette jadaone, filmmaker, manila, ph

Anak, kung sakaling gusto mong maging direktor
balang araw:

Hwag kang gagawa ng pelikula nang wala kang pera
nang wala kang ipon
nang wala kang kumpyansa
nang wala kang alam
Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handa
nang hindi ka handang masabihang
“ang pangit ng ginawa mo”, “di hamak
namang mas maganda ang magagawa ko riyan”
nang hindi ka handang malamang
hindi ka pala magaling, di-tulad ng pinaniwala ko sa iyo
o ng iyong mga guro, o ng iyong mga kaibigan.

Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handang
mawalan ng pera, ng ipon
magkautang, at magkautang pa,
mawalan ng kaibigan at/o magkaroon ng kaaway,
nang hindi ka handang masaktan, mabigo,
mabigo ang sarili,
ako, o ang iyong mga guro, o ang iyong mga kaibigan
na napaniwala mong magaling ka
sa loob ng kay raming taon bago ka
sinuwerteng gumawa nitong pelikula.

Hwag kang gagawa ng pelikula…

View original post 127 more words

Eheads Reunion

antoinette jadaone, filmmaker, manila, ph

Hindi ko alam kung paano ko ito isusulat nang hindi ako napapatulala. Hindi ko alam.

Nagsimula ang countdown sa 10:00. Ang tagal pala ng sampung minuto, bakit kapag nag-su-snooze ako ng alarm, parang five minutes lang? Nung dumating na sa wakas ang 1:00, ang pakiramdam ko e parang yung itinataas ako sa Space Shuttle at hinihintay ko na lang yung hudyat na mahuhulog na ‘ko. Ang lamig sa katawan, parang umabnormal yung heartbeat ko, kung may heartbeat pa ako. (Kung wala na, may mga medical team naman daw na nakapaligid sabi ni Announcer for the nth time.)

At natapos ang isang minuto, at nagsimula ang maiksing picture montage. At biglang narinig ko ang introng pamilyar–ten ten ten ten tenetenten ten ten ten ten tenenenten maaay. At nagliwanag ang stage. At lumabas silang apat. At nakita ko si Ely. At nakita ko sila.

Ang Eraserheads.

At ako? Ako ay nawala.

Hindi ko…

View original post 343 more words