Ikaw na Sumandal sa Akin

Oo, ikaw. Ikaw kuya na may glasses at naka-polo na white na mahimbing na natutulog at naka-sandal sa akin sa loob ng UV Express van pauwi ng Cavite. Ang payapa siguro ng araw mo no kaya ang payapa rin ng mukha mo habang natutulog sa balikat ko. Hindi naman ikaw ang unang tao at lalaki na sumandal sa akin habang bina-baybay ng barumbadong van driver ang ma-traffic na kalsada ng Maynila. Marami na kayo at sanay na ako. Pero kuya bakit ngayon pa. Bakit ngayong araw na to na para bang ang bigat-bigat ng mundo, dumagdag ka pa, edi wow. Kung gising ka lang, sana napansin mong iba ang tunog ng singhot ko, hindi yung tipong may sipon lang kundi singhot ng taong hirap sa kakaiyak.

Pag-tungtong pa lang ng van mapula na ang mga mata ko sa kakaiyak habang naglalakad papuntang terminal. Pasalamat na lang ako at gabi na at hindi bukas ang ilaw ng van kaya’t hindi mo siguro nakita ang malulungkot kong mga mata. Pero sana nga nakita mo na rin para naman nahiya kang sumandal at dumagdag sa aking pasanin di ba.

Siguro masaya ka ngayong araw na to? Pagod—-obviously, pero masaya. Siguro kaka-hire mo lang at yang magandang white polo mo ang nagdala. Ako rin may raket. Kahit freelance work to, feeling ko first job ko na rin to alam mo ba? Pero yun na nga ang problema, unang sabak ko to. Wala pa kong masyadong alam, inexperienced, baguhan at madalas nagmumukhang tatanga-tanga. Hindi ko naman sinasadayang ganon ang mangyari. I try my very best to avoid it. Pero ganon talaga eh pag bago sayo ang lahat. Sino ba ang hindi?

Ngayong araw lang akong umiyak nang ganito, pagbiyan mo na ako. Nawala ako sa comfort zone ko eh. Sobrang laking adjustment ang ginagawa ko. Alam mo ba yung adult world anxiety? Parang kelan lang ang secured ng buhay ko sa school knowing na marami akong masasandal tulad ng pamilya, kaibigan at kahit na mga propesor. Pero sa real world, para kang sinabak sa arena na kahit tinuruan ka namang lumaban, hindi pa rin sapat dahil first time mo nga, hindi mo pa nasusubukan kung kaya mo ba talaga. Kala ko ang galing galing ko na nung nasa unibersidad ako. Kala ko isa ko sa mga kakaiba. Pero sa mas malaking mundo ng matatanda, isa ka lang bagong mukha na maraming akala. Bawat mali ko na nagawa sa trabaho ay naging dahilan para isara ng boss ko sa mukha ko ang pinto at yang mga mali na yan ang bagahe na dala ko pauwi ngayong gabi.

Sana wala kang dala-dalang kaparehong bitbitin. Pero mga ilang araw mula ngayon ganito rin ang magiging sitwasyon mo; parang tangang umiiyak sa loob ng madilim na van habang ang lahat ay payapang natutulog at malamang ay nasa alapaap na. Maari ring mali ako at mas mabigat pa ang problema mo sa akin ngayon at maaring mali rin ako na iyakan ang ganitong problema na kumpara sa problema ng iba ay mukhang butil lang ng bigas. Pero hayaan mo na ako. Ngayon lang. Magiging okay din ako.

Kaya sige sumandal ka lang. Kaya ko naman siguro ang bigat. Hindi na rin naman ito siguro magtatagal, dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang byahe, bababa ako at bababa ka na. Matatapos din ang lahat.

Advertisements

One thought on “Ikaw na Sumandal sa Akin

  1. Nakaka-relate ako Kimmy! Lalo na sa 4th paragraph! Kaya mo ‘yan girl! Ganyan talaga sa simula, okay lang umiyak. 🙂 Isipin mo na lang na lilipas din ‘yan. Part lang ‘yan ng training girl! Ganyan din ako hahahaha! Miss you! 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s